Payag ba kayo sa pagpunta ni De Lima sa U.S at Germany? - Rise Up, Philippines!

Monday, December 12, 2016

Payag ba kayo sa pagpunta ni De Lima sa U.S at Germany?

Huling alas ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Pa­ngulong Rodrigo Duterte para bawiin ang travel clearance na binigay ng Department of Justice (DOJ) para sa biyahe ni Senador Leila de Lima ngayong araw pa-Amerika at Germany.

Ang grupong VACC. na pinamumunuan ni Dante Jimenez, ang nagsampa ng mga kasong ‘drug trafficking’ laban kay De Lima at iba pang personalidad sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman.

Sinampahan din ng kasong ‘disbarment’ ng grupo ang senador na inaakusahang tumanggap ng ‘drug money’ mula sa mga drug lord sa National Bilibid Prison.

Ayon kay Jimenez, hindi umano dapat pinayagan ng DOJ si De Lima na makalabas ng bansa dahil posible itong mag-apply ng ‘asylum’ at tuluyang hindi na bumalik sa Pilipinas.

“We suspect she will either seek asylum or hide for allegedly being ‘persecuted’. We victims of illegal drug trafficking urge her to clear her name first from these charges before going out of the country,” ayon kay Jimenez sa panayam ng Manila Times.

“VACC condemns allowing de Lima to leave because of various complaints under investigation like illegal drug trading in violation of [the Dangerous Drugs Act] and for snubbing various hearings of House of Representatives and the Department of Justice,” dagdag pa nito,

“Wala na kaming magagawa pang legal remedy since ura-urada ang biyahe niya. Only recourse we have at the moment is to ask the President to revoke the travel clearance dahil siya lang may kakayahang gawin ito sa ngayon,” wika ni Gadon.

Si De Lima ay nakatakdang magpunta sa U.S at Berlin, Germany at inaasahang babalik sa bansa sa December 22 ayon sa kanyang naunang pahayag.

No comments:

Post a Comment