Pormal nang inihain ng House of Representatives sa Senado ang ethics complaint laban kay Sen. Leila de Lima.
Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas, and House Committee on Justice chairman and Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali filed the complaint before the office of Majority Leader Vicente Sotto III, chairman of the Senate Committee on Ethics.
Si De Lima ay nasa official trip sa ibang bansa nang ihain ang reklamo sa Senate committee on ethics na pinamumunuan ni Senate Majority Leader Tito Sotto.
"This is a clear case of contempt of the power and authority vested in the House of Representatives," sabi nang komplenant.
Tumayo bilang respondents sa reklamo sina House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na chaiman ng House justice committee.
Nag-ugat ang nasabing reklamo dahil sa umano’y pagpigil ni De Lima sa kanyang dating driver-lover na si Ronnie Dayan na dumalo sa imbestigasyon ng Kongreso ukol sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
Si De Lima pa ang kalihim ng Department of Justice nang madiskubre ang umano’y illegal drug trade sa loob ng Bilibid.
"Simply put, it is not only discourteous for her to unduly interfere with the proceedings of a co-equal chamber, but disrespectful to the institution called Congress, of which she is a sitting member, as it puts the co-equal chamber of the Legislative into a collision course," sabi nang komplenant.
Pero sa kabila nito, nanindigan si De Lima sa kanyang pagpigil kay Dayan at sinabing hindi obstruction of justice, kundi "obstruction of persecution" ang kanyang ginawa.
Iginiit din ni De Lima na wala siyang nakikitang hustisya at hindi rin siya binigyan ng hustisya sa isinagawang pagdinig ng Kongreso.
No comments:
Post a Comment