Isang Indonesian national na hinihinalang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang naaresto habang papatakas sa Marawi City, kahapon ng umaga.
“He is now being investigated by police investigators,” sabi ni Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner Jr.
Batay sa ulat, lumabas ang hindi pinangalanang dayuhan mula sa pinagtataguan nito.
Lumangoy umano ito sa Lake Lanao bago pumasok sa mga bahay.
Payat na payat at mahaba ang buhok ng nasabing hinihinalang dayuhang miyembro ng grupong Maute nang makuha ito.
Pormal na tinapos ang operasyon sa Marawi noong isang linggo matapos ang limang buwan matapos lusubin ng Maute ang lungsod noong Mayo 23,
Tinayayang 900 terorista, 165 sundalo at pulis at 45 sibilyan ang nasawi matapos ang nangyaring bakbakan sa Marawi.
No comments:
Post a Comment