Petisyon kontra sa kanyang pagkakaaresto, ibinasura ng Korte Suprema
"Wherefore, the instant petition for prohibition and certiorari is hereby DISMISSED for lack of merit. The Regional Trial Court of Muntinlupa City, Branch 204, is ordered to proceed with dispatch with Criminal Case No. 17-165. SO ORDERED," ayon sa hukoman.
Sa petisyon ng senador, nais niyang ipawalang-bisa ang nasabing arrest warrant at ipahinto ang pagdinig sa kanyang kaso.
Sa paniniwala ng kampo ni De Lima, walang hurisdiksiyon ang Muntinlupa RTC sa reklamo ng DOJ at itinuturing nilang ilegal ang naging mabilis na pagpapalabas ng arrest warrant laban sa senador.
Kasalukuyan namang nakaditine si De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.
No comments:
Post a Comment